Inaayos Mo ‘Yung Antenna sa Bubong Tapos Lumindol

Inaayos Mo ‘Yung Antenna sa Bubong Tapos Lumindol

Four years old ako no’n at habang naglalaro sa tapat ng bahay namin ay bigla akong hinila ng uncle ko. Pagkatapos ay nagliparan ang mga ibon at umalon ang lupa. Akala ko visual effects lang pero bigla nang nag-iyakan ‘yung kapitbahay namin. Nakita ko ‘yung pusa na nakasabit sa puno habang pilit na kumakapit sa sanga. 7.8 magnitude ang frequency ng lindol. Kayang kaya pumunit ng kalsada. Kayang kaya bumiyak ng building. Kayang kaya magpatumba ng puno.

Pero hindi nalaglag ‘yung pusa sa sanga. Sabi ko, paglaki ko hindi rin ako malalaglag kahit gaano kalakas ang pwersa ng pag-ibig.

‘Di, biro lang.